Tuesday, February 3, 2009

Ang Karanasan Ko Sa Biyahe Ngayon

Minsan talaga pag bumibiyahe ako, nabu-bwisit ako sa mga katabi ko...

Tulad na lang ng nakatabi ko kanina, super taba. Tapos siksikan, syempre hindi naman ako makareklamo kasi nga nasa public utility vehicle ako... At ang siste, hindi lang siya ang mataba.

Pagsapit sa Alabang ng bus, marami ang nagsibabaan, pati yung ibang matatabang kahilera namin sa animan. Pero tulog na tulog ang kumag kong katabi. Kinakalabit ko kaso balat kalabaw. Sinasabihan ko pero yung patugtog niya malakas pa sa boses ko. Alanghiya, eh di nagtatatalon ako habang nakaupo. Ayun nakaramdam at umusog naman... hahahaha!

Dapat itong mga matatabang ito nagje-jeta... Maging considerate naman sila sa kapwa pasahero. O kung ayaw nilang magbawas ng timbang, mag-taxi na lang sila... Iyan ay kung kasya sila sa taxi... hahahaha! Sama ng ugali...

2 comments:

Anonymous said...

grabe ka naman magsalita..ikaw kaya sa posisyon nila? tsk..ok lang un hinaing mo..pero dude..below the belt..natural kasya sila sa taxi..tsk

Anonymous said...

OUCH. tinamaan yta