Musta naman... matagal na rin ako hindi nakakapag-Internet... Haaaayyy...
Eto ang ginagawa ko 'pag nabo-bored ako... Ini-interview ang sarili ko.
--------
Ano ba talaga ang gusto mong gawin sa buhay mo?
- Gusto ko maging isang magaling na musikero. Yun lang.
Eh ano ang ginagawa mo ngayon?
- Nag-aaral, bilang isang programmer at IT specialist
Bakit iba ang ginagawa mo sa gusto mong gawin?
- Hahahahaaaa... achoo! Eh sa yun ang dapat mangyari eh. Kumbaga may nasimulan ka na... actually 4 years na ako sa propesyon ko bilang isang estudyante ng IT. Kailangan lang tapusin, mas maganda daw ang tapos... at least hindi ako babagsak sa pagko-call center since graduate ako ng IT.
Eh paano na ang pangarap mong pagiging musikero?
- Gusto kong maging musikero pero maraming hadlang.
Tulad ng?
- Numero uno na itong pag-aaral na ito. Tapos may napakasupportive kang magulang... basta hindi related sa music suportado niya. Ayos!
Musta naman ang pagiging propesyonal na estudyante mo?
- Eto, pilit minomotivate ang sarili para matapos na ang lahat ng ito. Haaaay... minsan nga gusto ko na lang maglaho parang bula, pero hindi maaari; haharap at haharap ka pa rin sa problema
Hindi ka motivated?
- Sabihin na nating oo... may mga oras na motivated ako, meron ding hindi... pero pag namo-motivate ako, dahil iyon sa namomotivate din ako musically...
Pa'no nangyari iyon?
- Kunwari may choir practice... mga ganun... kumbaga, pagco-choir na lang ang nagiging outlet ng music ko eh...
Pagcho-choir na lang... what does it mean?
I want to be in a jazz fusion band... and choral singing is quite far from a jazz fusion band.
Di ba kailangang marami ka ng alam sa music bago ka tumugtog ng mga jazz?
- OO naman. Kaya pinag-iisipan ko na rin ang pagpasok sa conservatory. Kung hindi pumasa, papatusin ko na ang ibang mga offerings sa music, basta makakatulong. Kasi nababasa ko na ang mga kilala't tinitingala kong mga jazz fusion artists, pumasok sa conservatory, o di kaya'y may matinding background sa musika.
Eh mahal ang pagpasok sa mga conservatory, kahit sa mga short courses...
- Kaya nga gusto ko ng high-paying job na kokonti lang ang ginagawa... at least yung spare time ko mailalaan ko sa pag-aaral ng musika. At hindi ako magkakaroon ng ganitong klaseng trabaho kung hindi ako tapos ng aral... Haaaaayyy buhay...
Eh kung pumalpak ka na naman ngayon?
- Tutuparin ko ang pangarap kong maging musikero, at walang makakahadlang sa akin. Pero alam ko na pag hindi ako nagtapos, siguradong mas mahirap na daan ang tatahakin ko dahil hindi ako makakahanap ng trabahong gusto ko.
Ano na ang balak mo ngayon?
- Haaaaay... Wala ako'ng masyadong options, at pinakamagandang option na ang pagtatapos ng aral nitong IT. Tungkol sa pagiging "supportive" ng magulang ko, well, makikipag-jam pa rin ako sa mga kabanda ko, mag-eensayo pa rin ako sa choir... pero as of this moment, top priority muna ang aral. Haaaay...
Final message:
- Salamat sa interview na ito... kahit papaano na-motivate ako na mag-aral ng IT.
10 May 2009 0009
Muntinlupa City, Philippines
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment