Wednesday, July 1, 2009

Anti-con ass Songs

Since I can't get myself doing my thesis, might as well devote my time to something useful... :D

Cha!
Original: Legs by Hagibis

Cha! Cha!

Impyerno ay nagliliyab
Pag kayo ay nagsesesyon
Sa tuwing magsasalita
Ang ating mga kongresista

Wag n'yo naman kaming lokohin
Wag n'yo naman kaming gaguhin
Ginagalit n'yo ako't pinanggigigil
Ginagalit n'yo ako't pinanggigigil
Ginagalit n'yo ako, ginagalit n'yo ako!

KORO:
Chachacha n'yo ay panloloko
Chachacha n'yo ay pangungurakot
Chachacha, kayo ay mga tuta
Ni Gloria
(Ulitin)

Sa tuwing ipapasa
House Resolution 1103
Taumbayan mag-aalsa
Pag ito'y ipinilit pa

(Ulitin ang ikalawang talata at koro)

Nograles, siya ay maka-con-ass
Villafuerte, siya ay maka-con-ass
Abante, siya ay maka-con-ass
, siya ay maka-con-ass

Con-ass na panloloko
Con-ass, daan patungong
Con-ass, pang term extension
Con-ass, ni Gloria Arroyo
(Ulitin)

(Ulitin ang con-ass... este ang Koro)

--------------------

Kawatan
Original: Katawan by Hagibis

Lingon agad pag may pulitikong dumaan
Lalo na pag may kasamang bodyguard
At sila'y nakakalokong tingnan

Kaming lahat naghihirap ng lubusan
Wala kaming sariling mga tirahan
Hindi pa rin nakatikim ng ginhawa

KORO:
Mahilig kayo sa kurakutan
Mga kickback inyong nakikita
Lalo na ang mga pork barrel n'yo

Lumalabas ang inyong pagkademonyo
Pag mayroong mga kontratang malalaki
Lalo na pag ang may-ari ay foreigner

(Ulitin ang ikalawang talata at koro)

Kawatan, kawatan, kawatan, kawatan, oh kawatan!(2x)
Kawatan, kawatan, bitayin ang inyong (8x)

(Ulitin ang koro)

Kawatan, kawatan, kawatan, kawatan, oh kawatan!(5x)
Kawatan, kawatan, bitayin ang inyong (ulitin hanggang mamatay silang lahat)


-------------------------------


Lutong Gloria
Original: Lutong Bahay by Parokya ni Edgar

Okey talaga ang luto ng inyong ina
Kami'y naduduwal sa cooking ng ina n'yo
Human rights violation
NBN-ZTE Deal

Di kami aatras, kasi ubod ng sama
Ng cooking ng ina n'yo
Cooking ng ina n'yo

Laging mahusay ang kickback n'yo sa bahay
Na dulot ng inyong itay (Mike: I love you mikey!)
Kinilaw na halalan sa tanghali
Meryenda n'yo sinigang na con-ass

Kakaibang mga sangkap, kaya ubod ng sama
Putahe ng ina n'yo, putahe ng ina n'yo

Lagi akong dadayo
Upang makirally sa inyo
Ako'y magse-self quarantine
Basta't wag makatikim ng cooking ng ina mo

Cooking ng ina mo, ang sama ng cooking
Cooking ng ina mo
Napakasama ng cooking
Cooking ng ina n'yo

--------------------------------

Con Ass
Original: Combined Chikinini by Parokya ni Edgar and Banal na Aso by Yano

May isang babae na mahilig sa con-ass
Napapagbalitaang isang mandurugas
Bababa sana sa 2010, kaso baka maudlot pa
Kasi pwede namang, tumakbo siyang kongresista

KORO:
Banal na gloria, santong arroyo
Naduduwal ako...
Banal na gloria, santong arroyo
Naduduwal ako... sa yo!

May kongresista na isang lalaki
Hiningan ng pabor ng isang babae
Pasensya na baka ako'y maagawan
"Sumunod ka na lang" sabi ng babae
"Talagang di ba pwede?"
Tinanggal sa pwesto ang lalaki!

(Ulitin ang koro)

chacha conass, chacha, conass
putang inang con ass

Anuman ang inyong ginagawa sa inyong kaalyado
siya ring ginagawa mo sa amin
Anuman ang inyong ginagawang panloloko sa amin
Ciento porciento bistado sa amin

Wednesday, June 24, 2009

No to Con-Ass!

Yesterday was SSD Day... Haaaay... I miss the days I go to school regularly...

Our professor was supposed to check our SSD Docu, the one I finalized, but she said I don't need to. Afterwhich, I was going to meet my groupmate somewhere but heavy rains keep me stalled. I just strolled through our main campus and stumbled through with this:


This is a signature campaign to stop constituent assembly (con-ass). According to Kuya Ryan, they are targeting 1 million signatures before July 27(?)... not sure with the date, but it's the President's State of the Nation Address. And before ate Jessie tell me, I already grabbed my pen and signed it right away.

Stop Con-Ass!

Friday, June 5, 2009

Two Songs on a Rainy Day... Bwahahahahahaaaa... achoo!

Miyerkules ng hapon, naisipan kong mag-ensayo ng keyboard. Habang nasa kasagsagan ako ng pag-eensayo, dumilim ang paligid, at bumuhos ang napakalakas na ulan... Epekto ng global financial crisis... este global climate change pala...

Seriously... gusto ko talaga gumawa ng kanta ng araw na iyon... Hindi pa umuulan ng ma-conceptualize ko ang Chandes, isang awiting masasabi kong pang-umaga. Ang "Chandes" ay isang tapsilugan na matatagpuan sa kanto ng Alvares, malapit sa Bambang. Naisip ko na gawin itong mala-"Morning Dance" ng Spyro Gyra, ayon na rin sa konsepto na gusto kong ipahiwatig. Kasi nga naman, ang tapsilog kinakain kadalasan kapag umaga.

Ikalawa naman ang "Falling In Love With Raindrops." Nako-conceptualize ko na siya noong minsang umuwi ako at nagpapakabasa sa ulan. Haha... Eh biglang umulan habang ginagawa ko ang Chandes. Tinapos ko ang Chandes, at sinimulan na ang "Falling..." Ito ang ikalawa kong komposisyon na may kinalaman sa kalikasan, una na dito ang "Falling Leaves." Ang awiting "Falling In Love With Raindrops" ay pinaghalong lovesong at pangkalikasang awitin. Hahaha...

----

P.S.

Tsaka ko na lang iku-kwento kung bakit naman "Chandes" ang naisip kong ipangalan sa kantang iyon... Haha...